Di' ko naman kayang gayahin ang ginagawa nya
Na naman ng mga sinulat na napag-iwanan
Di' ko naman kayang gayahin ang ginagawa nya
Na naman ng mga sinulat na napag-iwanan
Ang boses ng isang pinakakilalang liriko
Binatohan lang ng piso sa entablado kumapal
Di' tumitigil sumulat, imulat ang salita
Na di' uubra lahat ng uhugin na lyric ko
Ba't lahat ay nag-atrasan
Hawakan ang mikropono, making sa tulang ito
Mga bulong-bulongan sa paligid ng 'bang tao
Ano ba ang pangalan nyan at sang lupalop ng galing
Mga bumabangka nagmistulang mga sinungaling
Matapos kong bitawan ang mikropono na basa
Ng aking laway mula sa nagbabagang salita
Pag narinig mo ang aking banat siguradong ika'y
Makakalimot na parang sampal ng iyong inay
Bumabaling kanan at kaliwa
Pilitin mang makasabay palagi kang saliwa
Habang pinagbabalibagan ng versikolo ko
Ang matagal mong isinulat na versikolo mo
Pagsama-samahin pa lahat ng versikolo nyo
Ay di' kayang tapatan ang mga awiting ito
Pati damit mo, kahit gaano pa kamahal
Sa tenga ng mga tao ano ang sumatotal
Ano ang yong nakikita sa harap ng salamin
Alam mo ang ibig kong sabihin
Hindi ko na kailangan pang
Ipamukha sa iyo alam mo na ba
Na may isang datihan na ngayo'y nagbabalik
Kakaibamg tunog ang kanyang inaasik