Kahit san ka man naroroon ngayon
Hinding-hindi kita malilimutan
Mga araw at gabing dumaraan
Laman ka lagi ng aking isipan
Ang matatamis mong ala-ala
Ang lagi kong kapiling sa twina
Ang kabaitan mo'y langit sa akin sinta
Ang tinig mo'y parang laging kumakanta
Sa iyo kahit tayo'y magkalayo
(Sa iyo kahit na tayo ay laging magkalayo)
Ikaw ay yakap ko't hinahagkan
Pag-ibig natin ay parang walang hanggan
Kaligayahan na walang katapusan