Ako'y umusbong sa tabi ng Pasig Nagisnan ang ilog na itim ang tubig Lumaking paligid ang bundok na umuusok Langhap na langhap ang amoy ng basurang bulok
Ganyan ang buhay ng anak ng Pasig Pa-swimming swimming sa itim na tubig Playground lang ang bundok ng basura niyo Musika'y ugong ng kotse at bangka niyo
Natakpan na ang langit kong ito Di niyo alam ang tinatapon niyo Ay bukas ko at ng buong mundo
Akala ko'y ganoon talaga ang mundo Hanggang makakita ako ng lumang litrato Di maniwalang Pasig rin ang tinitingnan ko Kaibigan ano ang nangyari dito
Natakpan na ang langit kong ito Di niyo alam ang tinatapon niyo Ay bukas ko at ng buong mundo
Patay na ba ang ilog at dagat Kapag pasig ay pinabayaan Parang bukas ang tinalikuran
Natakpan na ang langit kong ito Di niyo alam ang tinatapon niyo Ay bukas ko at ng buong mundo
May bukas pa ang ating mundo.