Laging nasa isip ang iyong ngiti
Kapag nandyan ka na, lumbay napapawi
Buhay ko'y laan lang sayo
Pangalan mo'ng nasa puso ko
Hanggang wakas ika'y mamahalin
Laging sasambahin, kahit akoy di mo pansin
Sana'y malaman mong nandito lang ako
Naghihintay na sana ay magbago ang takbo
Nitong aking mundong umiikot lamang sayo
Hindi maiinip, balang araw makakamit ko rin ang iyong pag-ibig
Minsan tama nang nakikita ka lang
Minsan parang bawat sandali kulang
Naghahanap, sanaaaay masuklian
Hindi parin ako magsasawa
Sa konting pagmamahaaaallll