Puro away, napapansin mo ba Mamaya ngingiti, mamaya ngingiwi Puro tampuhan, walang katapusan Mamaya hihinto, di ka na kikibo
Di naman sa sinasabing nagsasawa na Ang akin lang naman pwedeng ayusin pa ba Kung ayos lang sa yo ang ganito Sige na nga, magtitiis na lang ako
Di naman pwedeng sabihin na ayaw ko na
Konting masabi, naiinis agad Ako ba ang mali, oo ba o hindi Sa buong araw, di pwedeng walang sigawan Ako nga ang mali, laging nagtitimpi
Di mo naman aamining kasalanan mo nga Nasasaktan na ako, hoy ano ka ba Kung ayos lang sa yo ang ganito Sige na nga, magtitiis na lang ako
Di naman sa sinasabing nagsasawa na Ang akin lang naman pwedeng ayusin pa ba Bakit ba kasi ang daming pinagtatalunan Sige na nga, di naman kita kayang iwanan
Kaya di ko sasabihing ayoko na
More from Yeng Constantino