Bakit? Tinatawag ang iyong pangalan
Bakit? Tinatawag ang iyong pangalan
Hindi ko na namalayan kung bakit
Na para bang ako'y naakit
Tinanong ko ang iyong pangalan at ang yong telepono
Di mo kinakausap ang mga tulad kong walang pera
Walng kotse't di doble doble ang cell
At walang labis, walang kulang
Balot! Eto pa cge, dalhin mo na lang sa inyo
Kahit na wala akong kitain, walang makain
Basta't alam mo lang kung gaano kahalaga sa akin
Ang ikaw ay mapaglingkuran at mapagsilbihan
Ipagpatawad mo sana, ako man ay naguguluhan
Bakit? Tinatawag ang iyong pangalan
Bakit? Tinatawag ang iyong pangalan
Kung alam mo lang ang dami ng mga litrato
Inunan ko pa sa may kanto at pinakuwadro ko pa
Nang sa gaoon ay lagi tayong magkasama
Araw man o gabi kahit sandali
Sa hirap man o ginhawa ikaw at ako magpakailanman
Na para bang mga palabas sa sine
Alam mo na para bang imposible
Pero pwede ka bang mailibre sa kanto
Ng lugaw, palamig, siomai o siopao
Baka pwede wag kang masyadong matakaw
Sige na nga pero pwede bang dumalaw...
Pagmamahal ko sana ay tanggapin mo
Pero kung itataboy mo ay ikamamatay, ikamamatay ko
Bakit? Tinatawag ang iyong pangalan
Bakit? Tinatawag ang iyong pangalan
Siguro naman, ngayon ay nadarama mo na
Kung gaano kawagas ang aking pag-ibig
Simula sa laman hanggang sa litid
Pero bakit ginamit puro luha at pasakit
Makalipas ang mahabang panahon ng aking pagmamahal
Nang nakita kita na may kasama kang iba
May dala-dala pa naman akong regalo
Matagal kong pinag-ipunan
Naglalakad habang lumuluha tinititigan ang lupa
Sinungaling ang mga baraha na tinanong
Hindi naman natupad ang kanilang mga hula
Wala ng dahilan para mabuhay
Naging abo, wala ng kulay
Akala ko nung una, tayo ng dalawa
Ilang taon din naman kong naghintay
Paalam na aking mahal, ako ay di na magtatagal
At tangi ang iyong pagbalik
Ang siyang aking ipagdarasal, ipagdarasal...
Bakit? Tinatawag ang iyong pangalan
Bakit? Tinatawag ang iyong pangalan