Pinanganak ka ba talagang walang pakiramdam
Kahit magbulagbulagan ka man
Di mapapakaila sakin mayroon ka ring nararamdaman
Ano ba talaga ang balak mo
Nais mo bang ako'y tuluyang lumayo
Lumalaki na ba ang ulo mo
Wala na yata ako talagang mapapala sa iyo
Mamundok ka na lamang kaya
Sakin wag na lang magpakita
Narinig mo na ba ang salitang kilig
Sa tanda mong yan mukhang di mo pa yata naranasang umibig
Hoy naman wag kang ganyan
Ako ngayon ang iyong pinahihirapan
Ano ba talaga ang balak mo
Nais mo bang ako'y tuluyang lumayo
Lumalaki na nga ang ulo mo
Wala na yata ako talagang mapapala sa iyo
Nang hihinayang ako sa iyo
Pagkat hindi ako laging nandirito
Na akong nag hihintay ng mangyayari
Ang pangarap ko'y di na matutupad
Wala na yata ako talagang mapapala sa iyo
Hanggang dito na lamang ako (hanggang dito na lamang)