Ngayo'y aking inuunawang pilit Mga pagkukulang kong iyong ginigiit Sana'y malaman mo na tanging ikaw lamang
Nakatanim pa sa'king ala-ala Pangako mong mananatili ka Kaya't paglisan mo'y naiwan ang pusong ito Na ngayo'y bitin na bitin
'Di mo na mababawi iniwang sakit Sa mga salitang binitiwan mo Hindi ba't ikaw na rin ang nagpasya, nagtakda Bakit nga ba ako 'yong pinaasa?
Nasa aking guniguni malamig mong tinig Kasabay ng hanging na dumarampi Na para bang ika'y nariyan sa aking paligid
Nahulog na'ng mga ulap, buwan at araw, mga bituwin Ang ginugol na panaho'y na saan? (panaho'y na saan) 'Di ba't sayang naman? (Di ba't sayang naman) Giliw yeah yeah yeah yeah
Ngunit di mo na mababawi iniwang sakit Sa mga salitang binitiwan mo Hindi ba't ikaw na rin ang nagpasya, nagtakda Bakit nga ba ako 'yong pinaasa? Bakit nga ba ako 'yong pinaasa?