Dinamayan mo ako sa aking pag-iisa Nakinig ka ng awit ko nang walang pagkasawa Kung ang gabi ay lumalamig Ang init ng iyong pagmamahal
At dahil sa iyo, napukaw ang damdamin ko Natuto akong mangarap sa gitna ng kadiliman Hinarap ko ang kahirapan, minahal ko ang buhay Ang langit ay abot-kamay lamang Kung ako?y nasa piling mo
At sa pagsapit ng dilim, ikaw ang liwanag ko Parang isang dasal na lagi kong inuusal Ang tinig mong malambing, sa diwa koy nakatanim Kahit saan ka man naroroon, naririnig ko sa hangin
At dinamayan mo ako sa aking pag-iisa Nakinig ka ng awit ko nang walang pagkasawa Ang tinig mong malambing, sa diwa koy nakatanim Kahit saan ka man naroroon, naririnig ko sa hangin
Kahit saan ka man naroroon, naririnig ko sa hangin