Sa isang yugto, ang rosas ay Katulad ng marami nang sumpaan Sa isang puwang ng hininga May aalis at may isang iiwan
O sing-ikli ng isang kanta Hanggang kailan, hanggang saan sinta
Sa isang iglap magbabalik Sa isang sulyap, sa isang halik Maya-maya ay minsan pang lilisan Minsang sumpa'y nakakalas Paano pa, paano lulunasan
Kung ang tamis di na madama Hanggang kailan, hanggang saan sinta
Hangga't buo pa ang daigdig Hangga't mayrong saysay ang kasaysayan Ang tagpanglaw at taglungkot Sa piling mo'y aking makakayanan
Hanggang tilas ay magbagong-anyo Hanggang sila'y maging paruparo Katulad ng pag-ibig ko sa iyo Hanggang ako't ika'y naririto