Ikaw Ang Aking Tahanan

Ebe Dancel
Gabi at umaga
Ang agwat nating dalawa
Sa pagitan ay mga bitwing
Tila kulang ng ningning
Nagsusumikap
Nagpapakahirap
"˜Di makatulog ng mahimbing
Sa kamang hindi akin
Malayo man ikaw lamang ang
Laman ng aking isipan
Malayo man ikaw pa rin,
Ikaw lamang ang aking tahanan
Tinitiis ang lamig
Alang-alang sa pag-ibig
"˜Di madali ang buhay na
Pinili para sa akin ng tadhana
Ngunit ngayong gabi
Ang tanging nais lamang
Ay humiga sa iyong tabi
"˜Wag sa kamang hindi akin
Ikaw lamang ang nag-iisang tahanan