Sabi niya, sabi ko, sabi mo, sabi nito
Mga pahayag na nakakaasar, nakakalito
Sino ang may-ari? Kahit "˜di sa'yo angkinin mo
Bakit nagmamagaling mag-ipon at dumaing?
Huli ka naman dumating kanina pa nailibing
Sa limot at hinilot ang libag sa katawan
Paikot-ikot mo hinilod ang nasa pahayagan
Para maipagkalat, sumigaw at mamalat
Maduming laway sa kagat, puno na walang ugat
Patalikod ang laging nais mong pakikipag-usap
Magpalubog, labis na pagkabukas ng talukap
Maimulat, ulat, katulad ng naisulat sa gubat
Magbuhat ng subukan kong bumuhat
Ng panggatong sa apoy "˜di ko inisip na ako'y
Papatirin ang baling sa hangin ay nangangamoy
Na usap-usapan tila may natapakan
Gabundok na kalaban palaging nakaharang
Ito ay may dila na basa, madulas na kataga
Puro kasinungalingan naman ang mga laman ng mga nasa dura kaya
Ulit-ulitin ang ibig sabihin ng kadiri
Ulit-ulitin ang ibig sabihin ng kadiri