Kung akala mo, ako'y nakikipaglaro sa'yo
Buong akala mo, ako'y natutuwa sa mga kinikilos mo
Sa kabilang dako, nag-iisip ako
Kung ano ang gagawin, kung ano ang sasabihin ko
Nagtitiis na lang sa kauupo na naghihintay sa'yo
Magbalik ka pa ba? Magbabalik ka pa ba?
Kung hindi na nga ay sabihin mo
Ang puso ko'y 'di na kikibo
Magbabalik ka pa ba? Magbabalik ka pa ba?
Ako'y di maghihintay sa'yo...
Kung sa wari ko, baka nga di tayong dal'wa
Ang nadarama ko, wala na nga'ng pag-ibig ko...
Kung ano ang gagawin, kung ano ang sasabihin ko
Nagtitiis na lang sa kauupo na naghihintay sa'yo
Bahala ka na... Hindi na ako magtataka
Mabuti na ito, matitiis ko ang lahat
Basta't malaman ko... Kung
Wa'g na lang kaya... Wa'g na lang kaya
Wa'g na lang kaya... Wa'g na lang kaya