Naghihintay ng meteor shower Nakadungaw sa may bintana Anong hiwagang sasapit s pagdilim?
Tumutunog ang lumang radyo Ang kanyang himig naghihinagpis muli Baka sakaling meron pang nakikinig
Bawat pagsabog at pagningning Sa bawat guhit ng talang inihahatid
May kumakatok sa aking pintuan Sabi ng hangin, aking pagbuksan Naghihintay sangkalangitan Laking tuwa ko't ikaw ang natagpuan
Bawat pagsabog at pagningning Tingnan kung pa'nong tadhana Namamangha't ikaw ay aking kapiling