Ang sabi ng nanay kamukha raw kita Meron daw ugaling ikaw na ikaw Ni sa king panaginip di ka man lang nasilip Wala na yatang pag-asang makikilala ka pa
Ang sabi ng lola'y kalimutan ka na Wala raw mabuting dinulot kay inay Mula nung lumisan di ka man lang nagiwan Kahit konting pag-asang makikita ka pa
Ako ba ang dahilan at nanay ko ay iniwan
Ang payo sa'kin ng isang kaibigan Ituring ka ng naglahong tuluyan Ngunit heto pa rin at laging dumadalangin
Ako ba ang dahilan at nanay ko ay iniwan
Ako ba ang dahilan at nanay ko ay iniwan
More from Smokey Mountain