Mula nang tayo'y nagpas'yang maghiwalay
Nagpaalam pagka't hindi tayo bagay
Di ba't ilang ulit ka nang nagpaalam
At bawat paalam ay puno nang iyakan
Nakapagtataka, nakapagtataka
Walang hanggang katapusan
Damdamin at puso'y tigang
Kung tunay tayong nagmamahalan
Ba't di tayo magkasunduan
Kung tunay tayong nagmamahalan
Ba't di tayo magkasunduan
Napano na'ng pag-ibig sa isa't isa
Wala na bang nananatiling pag-asa
Nakapagtataka, saan na napunta
Kung tunay tayong nagmamahalan
Ba't di tayo magkasunduan