Ang awit na ito'y inaalay ko Sa mga biktima ng ating lipunan
Ay hindi basta-basta lang
Mga buwitre ang nagliliparan
Batang-bata wala pang bente Katorse anyos lang at marami ng kliyente Ang kanyang kinabukasan ay
Nilamon... oohh ng sistema Yeah... ng sistema... oohh
Ito naman ang istorya ng... Isang batang galing sa broken home... Batang bata pa... kawawa naman
Ito naman ang istorya ng isang batang gumagala Sampung taong gulang palang nagka-hinahinala Dahil lasing na naman si itay At siya'y pinag-buhatan ng kamay
Si inay nagsusugal doon sa madjungan Napakasakit kapag walang humahagkan Lumayas sa kanila at nag-alsabalutan Tumambay kasama ng mga istambay sa lansangan
Diyan sa kanto sumasama kahit kanino
Isipin ninyo kung sino ang may sala dito
Nilamon... oohh ng sistema Yeah... ng sistema... oohh
Eto naman eh tungkol sa mga kababaihan nating Nagpapakahirap kung tawagin natin ay japayuki
Ang ating kababaihan ay nagsisiliparan Patungo sa ibang bansa! saan? sa japan Matulungan lamang mai-ahon sa kahirapan Ang pamilyang umaasa sa kanila lamang
Ilan sa kanila ang umuwing luhaan... Inabuso, minaltrato at saka sinaktan
Tigilan na ang ganitong paraan Ng pamumuhay ng ating kababaihan
Masisisi ba silo o dapat kaawan Kasalanan ba nila o kasalanan ng bayan
Nilamon... oohh ng sistema Yeah... ng sistema... oohh
More from Francis Magalona