Ayokong ako'y mawala sa isip mo
Dahil ikaw pa rin ang tibok ng puso
Kapag ika'y may ibang kapiling
Noong tayong dalawa, noong ikaw pa nga
Ang nagbigay ng bagong wakas
Mula noon hanggang ngayon ikaw pa rin
Gusto kitang makapiling pero ayaw naman
Nang puso mong nagdamdam sa mundo ng kawalan
Ako'y nalilito tuwing nagbabago
Pag ika'y nawala sa damdaming ito
Minsan ako'y napatingin sa mga tala
Iyong mata at iyong mukha ang hinahanap
Madalas nagsasawa sa ating pagsasama
Ako'y nasasaktan kung bakit ka ganyan
Sana naman ako ay pagbigyan
Sana naman ako ay pakinggan