Ikaw ay nakilala ko sa isang konsyerto Sa una'y nahihiyang lumapit sa'yo Ngunit hindi ko yata mahahayaan Na 'di malaman ang telepono mo't pangalan
Habang kausap ka, ako'y nasasabik Kay sarap sigurong matikman ang iyong halik At ganun na lang ang pagkagulat ko sa'yo Sinagot mo 'ko agad ng matamis na "Oo"
O tunay ka ba na makakasama Tulad ng iba, parang bula silang nawala
Isang gabing anong saya ang iyong pinadama Sa isang katulad ko na nanginginig-nginig pa Kahit may kasama tayong mga tropa Pero ang paligid para sa 'ting dal'wa
Hanggang sa uwian, laman ka ng isipan Ito ba'y katotohanan o pinagtripan mo lang Kung ano ang bilis ng pagdating mo Sana'y wag ding kadali mong iiwanan ako
O tunay ka ba na makakasama Tulad ng iba, parang bula silang nawala