Paraisong Parisukat

Basil Valdez
Narito ka't tumatangis
Sa "˜yong munting paraiso
Pagmasdan mo ang paligid nito
Inaamag
Inaagiw
Heto ako't sumasamo
Dingin ang aking pagsuyo
"˜Sang libo't isang paraiso
Inaalay ko sa'yo
Tayo na giliw sa malawak na kalikasan
At salubungin ang bukang-liwayway
Madarama mo ang pagsabog ng liwanag
Mahahawakan mong bahaghari at ang sinag
Sa tuwina'y mamahalin ka
Giliw, dalagin ko'y iwan mo na
Ang "˜yong paraisong parisukat
"˜Sanlibo't isang paraiso
Inaalay ko sa iyo, giliw
Dalagin ko'y iwan mo na
Ang iyong paraisong parisukat
"˜Sanglibo't isang paraiso
Inaalay ko sa iyo
Habang nabubuhay ako
Paraisong ito'y handog ko sa iyo lamang, giliw