P.I.

Siakol
[Intro:]
[Verse I:]
Narito ako sa isang lugar
na hindi 'ko maintindihan
Nakikipagsapalaran sa buhay
na ang hantungan ay kawalan.
[Refrain:]
De numero ang galaw ng tao,
bawat gawin ay may presyo
Oh, narito ako sa isang lugar
na hindi ko maintindihan.
[Verse II:]
Daing ng tao'y 'di pinapansin
nililipad ng hangin
Pagkain sa araw-araw hindi malaman
pa'no pagkakasyahin.
[Refrain II:]
Lalong yumayaman kapag mayaman,
lalong naghihirap kapag mahirap
Oh, narito ako sa isang lugar
na hindi ko maintindihan.
[Chorus:]
Walang ginagawa
ang mga walang awa
Walang nagagawa kahit pa
ngumawa, magmakaawa,
Bumaha ng mga luha--- haaa!
Bumaha ng mga luha--- haaa!
[Verse III:]
Narito ako sa isang lugar
ng mga taong tumatakas
Naghahanap ng swerte sa iba
dahil dito'y wala ng bukas.
[Refrain III:]
Kakarampot na sasahurin,
sa sobrang mahal ng mga bilihin
Oh, narito ako sa isang lugar
na hindi ko maintindihan.
[Repeat Chorus]
(Repeat I)
[Refrain:]
De numero ang galaw ng tao,
bawat gawin ay may presyo
Oh narito ako, oh narito,
oh narito ako bakit ganito!
Oh narito ako sa isang lugar
na hindi ko maintindihan.