Sa dami nang ating pinagdaanan
Malungkot, masaya, mahirap, maginhawa
Nandyan ka pa rin, nandito pa rin ako
Magkikita, magkikita pa rin tayo
Halinat pagsaluhan natin ang buhay
Sama samang lasapin, muli nating sariwain
Mga araw ng tamis, mga gabing walang kapares
Halinat muling mapadpad, halinat muling mapadpad
Sa ating pugad, sa ating pugad
Dito mo ipagdiwang ang ligaya
Dito mo ibuhos ang problema
Ako ang yong kamay, sayo ay aagapay
Sa yong paglalakbay, ako ang aalalay
Sa bawat ngiti, bawat patak ng luha dahil
Nandyan ka lang, nandito lang lagi ako
Magkikita, magkikita muli tayo
Halinat pagsaluhan natin ang buhay
Mga araw ng tamis, mga gabing walang kapares
Halinat muling mapadpad, halinat muling mapadpad
Sa ating pugad, sa ating pugad
Sa ating pugad, sa ating pugad