Ang suot niya ay lumang-luma At ang kanyang mga mata'y malamlam Banaag mo sa kanyang mukha ang kahirapan Maghapon siya sa mga daan Nanghihingi ng kaunting tulong At madalas 'yo siyang hamakin at libakin
Siya ay pulubi, hinahamak ninyo Siya ay pulubi, tao ring katulad niyo
Wala man lang siyang matutuluyan Sa lamig ng paligid, walang makublihan Kailan niyo siya kaaawaan Kailan niyo siya mauunawaan 'Pag ang lahat ay huli na, siya'y lilimusan
More from Freddie Aguilar