Matagal na rin kitang gustong makita
Pangarap na kitang makasama
Kya ikaw na ba yan o santa?
Saming bubong ay dahan-dahan pa
Meron ka bang dala-dala at ako'ng bubuhat, pwede ba?
Sa pag bibigay ng regalo ay tutulungan ka
At sasakay sa karwahe na lumilipad sa gabi
Hilang mga reindeer na si Rudolf ang bida sa byahe
Balbas saradong mama at nakapula
T'wing sa pasko ikaw ang kilala
Kaya ikaw na ba yan o Santa?
Bakit sa mukha ay may medyas ka pa?
At iba ang 'yong kinakarga
Pati ang konti kong pera'y dinagit pa
Nangayayat at mukhang naghirap na
At dapat ng mag-ingat sa kanya
Akyat bahay na ang racket nya
Si Santa Klaws ay magnanakaw na pala.