[Featuring: Cookie Chua of Color it Red]
Ang awiting ito'y para sa lahat ng minahal natin
Ito'y para rin sa lahat ng mga nagmahal sa atin
Pangarap ang tanging nais
Minsan tayo ay nalilibang di natin napapansin
Oras na lumilipas ang pilit nating lilingunin
Sana'y nasabi ko sana'y nalaman niya
Sana'y nung giniginaw ay hawak ko ang palad nya
Ngunit naisip ko ngayon ay mas dinig
Kahit isang bulong kahit na isang pintig
Ng puso pag sinabi mong sya'y mahalaga
Asahan mong sayo'y ganon di ang kanyang nadarama
Matapos ang lahat isa lang ang aking napatunayan
Huwag mong hayaan na parang alikabok sa langsangan
Na nililipadlipad at tuluyan ng mapahalo
Pag umula'y magiging putik sa kanal na bumabaho
Sabi nga nila ang buhay ay siguradong hindi
Lahat ay nakatakda pero di ka pwedeng mamili
Kaya't kung may pagkakataon mahigpit mong yakapin
Dahil baka bukas sayo ay bigla lang agawin
Salamat sa pagkakataong kayo ay makasama
Salamat sa mga araw may luha man o tawa
Salamat sahil nalaman ko ang aking pagkukulang
Pero sa kabila nito ako'y di mo kinalimutan
Salamat dahil akoý tinuring mong kaibigan
Salamat at hanggang sa susunod nating kamustahan