Lahat ng nagtakang mahalin ka Ay nabaliw na at naligaw pa Puso kong basta sumuko sayo Kung pano mo ko hinahawakan Kung pano mo ko sinasayawan
Tumayo, pumalag sa piling niya Talagang wag ka nang lumingon Habang may oras ka pa lumayo na Kung san man na di ka na niya abot.
Alam ba nila ang pakiramdam Ng lalakad ng parang lumulutang lang Kung kelan kita gusto umulan Gipit pa, kung may hadlang, may paraan Hinirang na nila akong hangal Oras-oras ikaw na lang aking hangad Gumuho man mundo ko, e ano Yung sagad sa buto, hala durugin mo!
Muling bumabalik sa yakap mong kay higpit Naging tapat mo akong alipin Bihag mong sumusunod kahit san hilahin Dala moy lunas nang mapala ang sarap Di ako makahinga ng malaya.
Tumayo, pumalag sa piling niya Talagang wag ka nang lumingon Habang may oras ka pa lumayo na Kung san man na di ka na niya abot.
At ngayong mas madalas na ang pagdalaw Pataas ng pataas pa ang lipad tungo sa araw Mga pakpak ay bigla na lang napilas Ipinagpalit ulit sa ilusyong mga biyaya Sukat man ang layo lakas sa lalim Ngunit naubusan pa rin ako ng hangin Layo mo pa rin sa langit.
Muling bumabalik sa yakap mong kay higpit Naging tapat mo akong alipin Bihag mong sumusunod kahit san hilahin. Dala moy lunas nang mapala ang sarap Di ako makahinga ng malaya.
Tumayo, pumalag sa piling niya Talagang wag ka nang lumingon Habang may oras ka pa lumayo na Kung san man na di ka na niya abot.
Tumayo, pumalag, pumiglas ka Sa piling nyay ikay magiging abo May oras pang tumakbo, lumayo na