Ilakad ang tsinelas sa putikan Humakbang kahit na mahirap Iyong mga paa'y madudumihan Palatandaan ng pagsusumikap Lalaban at hindi ka na papayag Sabay nating itataas ang layag

Barong-barong, patong-patong Bulok na bahay, kalong-kalong Sako-sakong dasal "˜wag palayasin Halo-halong mga sana na nagka dikit-dikit Parang kapit mo sa gamit na nagka ilit-ilit Maniningil na pagkakulit-kulit Sa kakarampot mong naipon na nagkapunit-punit Lumang bente, singkwenta, maswerte kung isangdaan Para kang binenta pagkatapos ay dinaganan Ng kalang sinilaban, lutuang walang laman Kaliwa o pakanan, alam mo pa ba ang daan?
Sinabihan ka na ba na hanggang d'yan ka na lamang Maraming nakaharang kahit magsabing paraan Minsan ang paglaban lang ang natitirang paraan
Ilakad ang tsinelas sa putikan Humakbang kahit na mahirap Iyong mga paa'y madudumihan Palatandaan ng pagsusumikap Lalaban at hindi ka na papayag Sabay nating itataas ang layag
Tila kumupas na'ng mga guhit-guhit Sa mga palad ang hiling ay hindi madinig-dinig Tuyo at lumalatay kapag hinablit ka ng silid Walang maaaning bunga kahit dilig ka ng dilig Kumandirit dahil baka may magising nakakahiya Bagkus humalagpos ang poste ng bahay at gumiba Kumayod na parang wala kang karapatang humiga Kumurap kahit na ayaw mong kapalan ang mukha