Na-meet daw ekspekteysyon
Wala nangyari, wala namang nagbago
Parehong kwento, sino ba ang niloloko mo
Wala namang kaming napala
Wala ka namang kasing nagawa
Wala na sayong naniniwala
Paberti at mas starbeysion
Nabawasan daw konsomisyon
This kol por a selebrasyon
Pero walang nangyari, walang nagbago
Parehong kwento, sino ba ang niloloko mo
Sa panahon ng aking panunungkulan
Katakutakot na kurakot ang inyong maaasahan
Paliliguan ko kayo ng sandamakmak na kasinungalingan
At sa lahat ng sa akin ay bumoto
Ano kayo, hilo? Ako muna bago kayo
May makikitang ngiti sa aking mukha
At sa akin ang huling halakhak!
Wala namang kaming napala
Wala ka namang kasing nagawa
Wala na sayong naniniwala
Bakit di ka pa mawala! (3x)