Aking nasilayan ang lumang kanto kung saan lagi kitang inabangan
Hindi ko napansin ang dami nang bagong building lahat gawa sa salamin
Nakasalubong ko ang paborito mong guro
Yung may masungit na ngiti
Biglang natandaan nang tayo'y nagkaigihan sa project sa biology
At tuwing nagtratrapik naaalala kong lintik na kotse niyong tumitirik
Kung saan ako muntik na madisgrasya sa halik