Sa gitna ng kagubatan may ahas na hahalik  Tatawagin kang kaibigan na pinaka matalik  Pupulupot sa leeg mo't sisipsip ng iyong dugo  Ipapako ka sa krus kapag ikaw ay natuyo    
Sa gitna ng kaguluhan may kumukulong bulkan  Di ma pigil ang yabang at sakdal na kasakiman  Susubukang angkinin ang lahat ng hindi kanya  Kung kaya kang paikutin tiyak paiikutin ka    
Ngunit hindi nila kayang baliin ang iyong loob  Ang pag-ibig na hawak mo'y hindi malulubog    
  
Sa gitna ng kadiliman may puwitreng nagmamasid  May magbabato ng putik ngunit walang mayayanig  Iiyak ang mga batang nahulugan ng candy  Laging mga problema sa iba'y sinisisi    
Sa gitna ng kagubatan may ahas na hahalik  Itinuring mong kaibigan na pinaka matalik  Leeg mo'y pupuluputan dugo mo'y sisipsipin  Kapag wala ka nang pakinabang ang ending mo'y sa bangin    
Ngunit hindi nila kayang baliin ang iyong loob  Ang pag-ibig na hawak mo'y hindi malulubog    
  
Tuwing hating gabi maririnig mo ang huni  Ng mga kaluluwang naliligaw  Lahat ng pera sa mundo hindi kayang gawing ginto    
Ang mga tinig palakas ng palakas  Hanggang gumuho ang mga hadlang    
Ang mga tinig palakas ng palakas  Hanggang gumuho ang mga hadlang    
Saksi ang langit sa lahat ng naganap  Saksi ang langit sa ikalawang yugto...    
(Sa ngalan ng katotohanan)  (Sa ngalan ng iyong dangal, ang puso mo't iyong isipan)