Habang nagtatagal ay lalo kong naintindihan Ang lahat ng sinabi mo tungkol sa'kin at sa'yo Mapapatawad mo ba ako sa gagawin ko na paglayo Alam kong mayroong dahilan na s'yang mundo lang ang may alam
Sa kalungkutan magpapaalam na
Naghalo-halo na ang emosyon Luhang akala'y nasayang lang Subalit may kinahantungan
Sa bingit ng pait at sakit Pag-asang s'aki'y pinagkait Ako'y handa na nang mag-isa
Sa kalungkutan magpapaalam na
At sa mga nasaktan ko ay patawarin mo ako Hangad ko ay ang ligaya na tunay na hindi mapantayan