Ang mga pangarap ko'y kay hirap abutin Napunta ako sa aking nais marating Nais ko kayong pasalamatan Kahit man lamang sa isang awitin
Halos ako ay magpalimos sa lansangan Ang aking tiyan at ang bulsa'y nagkalaman Kaya't itong awiting aking inaawit Nais kong kayo ang handugan
Tatanda at lilipas din ako Iiwanan sa inyong ala-ala Dahil, minsan, tayo'y nagkasama
Ang mga awitin ko ay ayaw pakinggan Narinig ang isip ko at naintindihan Dahil dito'y ibig ko kayong Ituring na matalik kong kaibigan