Dahil Nga Ba Sa Kanya
Jaya
Dahil ba sa kanya kung kaya't nalimutan mo na
Init ba ng yakap at tamis ng halik niya
Nagturo sa iyong damdamin
Upang ako ay iyong lisanin?
D naman nagkulang ang pag-ibig na alay ko
Di ba't halos ang buhay ko ay binigay sa iyo?
Bakit ngayon ay di na sa akin
Ang puso mo na dati ay akin lamang
Nakalimutan mo, aking sinta?
Ang sabi mo noon hanggang wakas
Tayong dal'wa ay magsasama...
Pag-ibig mo sa akin ba'y naglaho na?
Kaya't ako'y nilimot mo na?
Kaya't ako'y iniwan mo na?