Ba't laging isang araw ang tayo'y may ?
Na ipadama natin mga ninanais nating tugon
Sa mga laman ng isip at tanong
Damdamin walang ibang layon
Kundi isa pang araw, isa pang bukas
May naghihintay pa kaya sa 'ting isang araw
Ngayon aking hanap,iyong paglingap
May pag-asa pa kaya ang ating isang araw ho oh ho
Tamang pag-ibig, 'wag nating ipagkait
Ngunit maling pagkakataon sa maling panahon
Sa aking paglayo 'wag isiping maglaho
Pinagsamahan ay di mawawalay
Dalangin ay isa pang araw, isa pang bukas
May naghihintay pa kaya sa 'ting isang araw
Ngayon aking hanap,iyong paglingap
May pag-asa pa kaya ang ating isang araw
Isang araw 'wag kalimutan
Di mawawaglit sa puso't isipan
Mayro' kayang isa pang araw, isa pang bukas
May naghihintay pa kaya sa 'ting isang araw
Ngayon aking hanap,iyong paglingap
May pag-asa pa kaya ang ating isang araw