Ipagmalaki talentong natatangi 'Wag mahiya pa... Tumayo na... Taas noo, ipakita sa kanila
Hayaang kuminang talentong kayang gawin Lilipad, uunlad sa talinong angkin
Kaya 'to ng kabataang Pinoy Kaya 'to dahil may K ang Pinoy Kaya ko'ng mangarap, tuparin sa pagsisikap Dahil may K ako, kayang-kaya ko ito
Kaya ko'ng sumulat, kaya ko'ng gumuhit Kaya ko'ng sumayaw, kaya ko'ng umawit Kaya ko'ng tumulang parang si Balagtas Syantipikong handang tumuklas Kaya ko'ng lumangoy, tumakbong kay bilis Gamitin ang lakas sa aking hilig Panibagong bagay galing sa 'king kamay Kinabukasan ko sa aki'y kumakaway
Ipagsisigawan ang pangarap 'Di mahihiya kahit na mahirap Kahit alanganin may panalangin May pag-asa, puso'y susundin
Hayaang kuminang talentong kayang gawin Lilipad, uunlad sa talinong angkin
Kaya 'to ng kabataang Pinoy (Kaya ko) Kaya 'to dahil may K ang Pinoy (Kaya ko) Kaya ko'ng mangarap, tuparin sa pagsisikap Dahil may K ako, kayang-kaya ko ito
Kaya ko'ng maging doktor, Maging mabuting lider ang aking nais Kaya ko'ng maging guro, abogado o piloto Anuman ang gusto ko maaabot ko Gagawan ng paraan upang umunlad Gagamitin ang talento sa mithing pangarap Anuman ang gustuhin pagsisikap din Kaya ko 'to, kaya natin 'to!
Kakayanin ang lahat para makapagsilbi Mabigyan ng tuwa't ginhawa aking pamilya Makatulong sa kapwang nangangailangan
Kuminang talentong kayang gawin Lilipad, uunlad sa talinong angkin
Kaya 'to ng kabataang Pinoy (Kaya ko) Kaya 'to dahil may K ang Pinoy (Kaya ko) Kaya ko'ng mangarap, tuparin sa pagsisikap Dahil may K ako, kayang-kaya ko ito
Kaya natin 'to kabataang Pinoy (Kaya ko) Kaya 'to dahil may K ang Pinoy (Kaya ko) Kaya nating mangarap, tuparin sa pagsisikap Dahil may K tayo, kayang-kaya natin ito More from Yeng Constantino