Dear kuya, kumusta ka na dyan? Anong balita, malamig ba dyan? Dito mainit, pero kung bumagyo Para bang lahat ng tubig sa mundo ay nandito
Matagal na rin, mula nang ika'y Magpasyang subukan ang swerte At abutin ang iyong mga pangarap sa ibang bansa Kung saan ikaw ay lagin mag-isa Kami tuloy dito, nag-aalala
Ano man oras na ika'y may kailangan At parang nandito ka na rin
Oo nga pala, kung nasa 'yo pa Ang checkered na polo ko, sa 'yo na yan Hanap ka na rin ng maraming mapapaglibangan Dahil balita ko mahal daw ang sine dyan
Dambuhala raw ang mga pinapakain dyan Miss mo na bang magtagalog? Kuya pag may kumausap sa 'yo Galingan mong mag-ingles, galingan mo kuya
Dear kuya, hinahanap ka ni mama at daddy Miss ka namin, pati nga kapitbahay nagtatanong San ka raw nagpunta? San ka raw nagpunta?