Kapansin pansin ang iyong ganda ngayong gabi At ang lungkot sa iyong mga ngiti Ang kisplap sa iyong mga mata'y wala na Kita sa yong tinging nagsasabing Tapos na ang lahat sa atin
Ito na ang ating huling gabi Hagkan natin ang bawat sandaling nalalabi Ng gabing kailanma'y di malilimutan Habang mata'y nakapikit, niyakap mo akong mahigpit Hanggang lumuhang kay pait Hanggang sa kahuli-hulihang saglit
Kumapit tayong tunay na pagkahigpit-higpit (Kumapit din tayo ng mahigpit) Hanggang may dumulas hanggang hindi na kaya
Sino ang unang bumitaw, sino ang unang bumigay? (Minahal kita hanggang sa kahuli-huli) Sino ang unang bumitaw, sino ang unang bumigay?
Ito na ang ating huling gabi Hagkan natin ang bawat sandaling nalalabi Ng gabing kailanma'y di malilimutan Habang mata'y nakapikit, niyakap mo akong mahigpit Hanggang lumuhang kay pait Hanggang sa kahuli-hulihang saglit
Hagkan natin ang bawat sandaling nalalabi Ng gabing kailanma'y di malilimutan Habang mata'y nakapikit, niyakap mo akong mahigpit Hanggang lumuhang kay pait Hanggang sa kahuli-hulihang saglit