Parang kailan lang nung ako'y nagsimula pa lang matutong matuto Maglakad, tumayo, sumabay, lumangoy sa alon ng buhay, ng aking buhay
Say hirap din palang hanapin ang iyong sarili Sa isang mundong laging nagmamadali Sa kakahabol ay tuluyan nang napagod at napaupo
Dahil nakita nyo na akong sumablay, Narinig mo na ang puso kong bumigay
Hay buhay, hay buhay, hay buhay nga naman
Parang kailan lang nung ako'y huling umibig At linamon, linason ng kilig
Bawat pangako ng ligaya, sinalubong ng trahedya Ang habangbuhay, naging babay
Parang kailan lang nung ako ay mag isa't nakadapa na, walang wala na Ako'y natutong magdasal, manalig sa maykapal At unti"“unti, sa aking sarili
Pipilitin kong di na muling sumablay, At ang puso ko hindi na muling bumigay